Life in the Eyes of John

A blog on life, love, people, cars, and everything I can think about...

Saturday, January 06, 2007

I C U

Something I wrote while residing in Vietnam, far away from my love.

Ilang araw na'ng di ka nakikita,
sa bawat araw nagdurusa.
Ang bawa't minuto'y parang oras, ang bawat linggo
ay parang taong...

di ka nakita.

Kailan kaya kita muling makikita?
Kailan kaya kita muling makikita?

Naaalala ko pa ang 'yong tingin
nung ako'y nagpaalam.
Ang aking ngiti'y bigla na lamang nawala
sa sunod na saglit

dahil wala ka.

Kailan kaya kita muling makikita?
Kailan kaya kita muling makikita? Makikita?


Parang taon na ang lumipas
nang huli kang makita.
Konting sandali na lang, aking mahal.
Heto na ako...

pauwi na.

Kailan kaya kita muling makikita?
Kailan kaya kita muling makikita? Makikita?

Dammit... I really hope I'll get home next week.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home